PORNOGRAPHY
Lunes, Oktubre 10, 2016
PAGKAIN
Natatakam kaba sa mga masasarap at masustansyang pagkain na nakikita mo kung saan-saan?
Ang pagkain ang pinaka importante sa ating katawan. Lahat ng tao at hayop ay kailangan ito. Dahil dito natin nakukuha ang mga bitamina sa ating katawan tulad ng prutas at gulay. Kung walang pagkain, paano tayo mabubuhay sa mundong ito? sa panahon ngayon may ibat ibang klaseng mg pagkain na mas pinaganda at mas pinasarap ng mga tao. Walang taong tatangi o aayw pag pinag-uusapan na ang pagkain lalong Lalo na na ang pagkaing Pinoy.
-ARRO (BMR)
SANAYSAY TUNGKOL SA PORNOGRAPIYA
Sa panahon ngayon hindi lamang ang paninigarilyo, pagiinom ng alak, at paggamit ng bawal na gamot at mariwana ang naadikan ng kabataan kung hindi pati narin ang panonood ng pinagbabawal na palabas o porno. Mapa elementarya man o hayskul ay hindi maiiwasan na malaman nila ang tugkol dito.
Isa sa mga dahilan kung bakit nila ito nagawa dahil sa tinatawag nating "curiosity". Maraming mga kabataan ang naiimpluwensya na manood ng pinagbabawal na palabas dahil sa kanilang kaibigan o siguro nakita nila na ginagawa ito ng kanilang mga magulang o mas nakakatanda sa kanila. Nang dahil dito mas marami ng mga kabataan kababaihan ang nabubuntis ng maaga at hindi na makakapagtapos ng pag-aaral. Ayon sa aking pagsusuri, tinatayang tumaas ng 20% ng mga kabataang kababaihan ang maagang nabubuntis noong 2015.
Bakit nga bang maraming mga kabataan ang nalulong sa bisyong ito? Nalululong ang mga kabataan sa bisyong ito dahil kulang ng gabay ng magulang ang mga kabataan. Kapag parating ginagabayan ng mga magulang ang kanilang anak ay may posibilidad na hindi nila malaman ang ganitong palabas. Isa rin sa dahilan ay sa nababagot ang mga kabataan lalong-lalo na kapag nakababad ito sa internet. Madaling ma I search ang pornography sa internet or cellphone kaya nagiging "habit" na nila ito. Kadalasan sa mga kabataan ay ginagwa nila itong negosyo sa kapwa nila kabataan. May iba na nag da-download nila at binibenta nila ito sa kanilang mga barkada o kaklase sa pamamagitan ng pag papasa ito telepono at binabayaran.
Ayon sa Bibliya ay isang kasalanan ang manood ng pinagbabawal na palabas pero marami paring nanonood nito.
Bilang isang mag-aaral, ipapaalam ko sa kapwa ko mag-aaral at kabataan ng iwasan ang ganitong klaseng bisyo. At dito nag tatapos ang aking sanaysay.
-TADEO (BMR)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)